DFA: Walang nasugatan sa missile attack sa Saudi Arabia

Walang napaulat na nasugatang Filipino sa missile attack sa Timog-Kanlurang bahagi ng Saudi Arabia.

Naganap ang missile attack sa Abha International Airport noong araw ng Miyerkules, June 12.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah na tuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon.

Kasunod nito, inabisuhan ng kagawaran ng Filipino community na manatiling alerto sa lugar.

Sakaling mangailangan ng anumang tulong, sinabi ng DFA na maaring tumawag sa Assistance to National (ATN) section ng embahada sa numerong +96611-480-1918 (landline) at +96656 989 3301 (hotline) o kaya sa ATN section ng konsulada sa +96655 219 613 o +966055 219 614 (hotline)

Maaari ring makipag-ugnayan sa kanilang email address na assistance@riyadhpe.com.

Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng lunas sa 26 kataong nasugatan sa insidente.

 

Read more...