Paghahain ng SOCE tinapos na ng Comelec

Itinigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggap ng mga Statements of Contributions and Expenses (SOCE) alas 8:00 Huwebes ng gabi.

Sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa 35 na kandidato sa pagka-senador ang nakapaghain ng SOCE sa kabuuang 65 na tumakbo noong nakaraang eleksyon.

Sa 12 naman na nanalong senador, 9 pa lang ang nakapagsumite.

Ayon sa Comelec, ang 3 natitira na hindi pa nakapaghain ay may palugit na 6 na buwan at kung hindi makakasunod ay babakantehin ang pwesto.

Nasa 101 partylist groups naman sa kabuuang 181 na grupo at 6 na political parties ang naghain na ng SOCE.

Ayon sa Comelec, papatawan ng administrative fine ang mga hindi nakasunod sa deadline na June 13.

Sa mga umulit at ikawalang pagkakataon na pumalyang magpasa ng SOCE ay madodoble ang multa at hindi na muling papayagang kumandidato.

 

 

 

 

Read more...