Todo pasasalamat si Senator Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtaas ng pensyon ng mga military and uniformed personnel o MUP.
Ayon kay Lacson pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang Joint Resolution No. 1 at aprubado na ng Department of Budget ang pension hike.
Sa kanyang tweet, sinabi ng senador, na miyembro ng PMA Class 1971, sa ngalan ng 220,000 MUP retirees ay habambuhay siyang magpapasalamat sa punong ehekutibo at aniya ang gagawin na lang ng mga retirado ay patuloy na huminga.
Una nang inilabas ng DBM ang pension requirements para sa mga retiradong sundalo, pulis, bumbero at jail officers.
Nagpalabas na rin ang kagawaran ng higit P50 Billion para sa pagtaas ng pensyon.
Binanggit din ni Lacson na co-author niya sa resolusyon si Sen. Gringo Honasan at aniya hinilin din niya ang karagdagang P15,000 dagdag sa old-age pension ng higit 4,800 senior veterans.