Pilipinas at China posibleng magkalabuan dahil sa banggaan sa Recto Bank

Hindi isinasantabi ng Malacañang ang posibilidad na putulin ng Pilipinas ang diplomatic ties sa China.

Ito ay matapos ang insidente ng banggan ng Chinese fishing vessel at Bangka ng mga Filipino na mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kapag napatunayan na sinadya ng Chinese vessel na banggain ang bangka ng mga Filipino, magsisilbi itong aggression.

“Eh ‘di we will cut off diplomatic relations, ‘yan ang unang ginagawa ng mga… ‘pag mayroong mga aggressive acts.

First, magdi-diplomatic protest ka; kung hindi ka kuntento sa paliwanag nila at nakita natin na talagang sinadya, eh

ibang usapan iyon. Our responses will always be calibrated, depende sa degree. But definitely, we will not allow ourselves to be assaulted, to be bullied, to be the subject of such barbaric, uncivilized and outrageous actions from any source” ayon kay Panelo.

Dagdag ni Panelo, unang ginagawa ng Malacañang kapag mayroong aggressive acts ay ang pagputol ng diplomatic ties sa ibang bansa.

Ibang usapan na aniya kapag hindi nakuntento ang Pilipinas sa paliwanag ng China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ni Foreign affairs secretary Teodoro Locsin Jr.

 

Read more...