Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, batay sa pinakahuling report si Tulfo ay nasa ibang bansa pa.
Kasunod nito, hindi pa aniya maaaksyunan ang renewal ng kaniyang license to own and possess firearms (LTOPF).
Sinabi ni Banac na wala silang impormasyon sa partikular na lokasyon ni Tulfo.
Ngunit, nilinaw nito na nakaalis si Tulfo bago pa ilabas ang notice sa pagkapaso ng kaniyang lisensya.
Sa ngayon, inaalam na aniya ng PNP kung kailan makababalik ng Pilipinas ang brodkaster.
Nagpadala na rin aniya ang PNP ng follow-up message kay Tulfo para tanungin kung kailan ang eksaktong petsa ng pag-renew nito ng lisensya para sa kaniyang mga armas.
Matatandaang ipinag-utos ng PNP kay Tulfo na isuko ang kaniyang mga armas dahil sa pagkapaso ng lisensya nito noong March 3.