Panibagong insidente sa West PH Sea dapat pa-imbestigahan sa IMO – Sen. Trillanes

Inirekomenda ni Senator Sonny Trillanes IV kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na hilingin sa International Maritime Organization o IMO na imbestigahan ang ang nangyaring insidente sa Recto Bank.

Ayon kay Trillanes ang pangyayari ay maaring imbestigahan ng Maritime Safety Committee ng IMO at aniya ang Pilipinas at China ay kapwa bahagi ng naturang organisasyon.

Sa ganitong paraan, dagdag pa ng senador, independent at objective ang imbestigasyon at anumang magiging rekomendasyon ay alinsunod sa international law.

Sinabi din ni Trillanes na lubhang nakaka-alarma ang pangyayari at maaring maging mitsa pa ito para tumindi ang tensyon sa West Philippine Sea.

Pagdidiin nito, napakahalaga na malaman ang buo at tunay na nangyari para sa gagawing hakbang ng gobyerno ng Pilipinas.

Nagsasagawa na ng hiwalay na pag-iimbestiga ang Philippine Coast Guard sa insidente.

Read more...