Dating aktres na si Nanette Medved nag-donate ng 8 classrooms sa Marawi

Umani ng paghanga sa mga netizens ang pagmamagandang loob ng dating aktres na si Nanette Medved.

Sa kanyang Instagram, masayang ibinalita ni Nanette ang donasyon ng walong silid-aralan para sa Marawi City.

Ginawa ito sa pamamagitan ng isang non-profit organization na Generation Hope Inc. na binuo ng aktres noong 2014 kung saan nagsisilbi siya bilang chairperson at President.

“So happy to be able to turn over 8 classrooms here in Marawi today. Thank you to the Maranao for your heartwarming hospitality especially given the circumstances,” saad ng caption ng IG post ni Medved.

Nagpasalamat din siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Marawi sa turn-over ng mga silid aralan.

Hindi naman nakalimutan ng ilang netizen ang pag-ganap ni Nanette bilang Darna kaya nagkomento ito ng : “”That’s what Darna do,”

Bukod sa Generation Hope, si Nanette ay naging miyembro ng Advisory Board ng Bantay Bata at miyembro ng National Advisory Council of World Wildlife Fund Philippines.

Read more...