Kapamilya actress Angel Locsin, tinupad ang pangakong scholarship sa ilang mga kabataan

Tinupad ng aktres na si Angel Locsin ang pangako na magbigay ng scholarship sa ilang mga kabataan.

Ginawa ito ni Angel matapos umabot sa 5-million ang followers niya sa kanyang Instagram account.

Nasa 31 kabataan ang pag-aaralin ng aktres bilang pasasalamat sa kanyang mga taga-subaybay.

Sa kanyang instagram account, pinost ni Angel ang mga larawan ng ilan sa mga kabataan na binigyan niya ng scholarship.

Sa caption, iginiit ng aktres na napaka-halaga ng edukasyon sa isang tao para na rin aniya sa kinabukasan ng mga ito.

“I believe that education is one of the best gifts we can share to others and that empowered individuals can help shape a bright future,” ayon sa aktres.

Read more...