China dapat managot sa panibagong insidente sa West PH Sea – Del Rosario

Nanawagan sa pamahalaan si dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na papanagutin ang China kaugnay sa insidente na nanaganap sa West Philippine Sea.

Ayon kay Del Rosario ang pinakahuling insidente kung saan nabangga ng barko ng China ang bangkang pangisda ng mga Filipino at inabandona ang mga manginginsda ay malinaw na magpapatuloy ang naturang bansa na takutin ang mga mangingisdang Pinoy.

Tinawag ding “bully” ni Del Rosario ang China.

Sinabi ni De Rosario na dapat gumawa ng hakbang ang administrasyong Duterte hinggil dito at tiyaking mananagot ang China.

Read more...