Davao Occidental, Agusan Del Sur at Isabela, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 66 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-2:50 umaga ng Huwebes at may lalim na 64 kilometers.

Sumunod na niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Agusan Del Sur.

Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers Southeast sa bayan ng San Isidro, alas-4:26 ng umaga at may lalim na 16 kilometers

At magnitude 3.8 na lindol naman ang yumanig sa lalawigan ng Isabela.

Naitala ang pagyanig sa 28 kilometers Southeast ng bayan ng Palanan, alas-4:28 at may lalim na 16 kilometers

Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...