Sec. Duque inaming inaanak niya sa kasal ang may-ari ng WellMed na si Bryan Sy

Inamin ni Health Sec. Francisco Duque III na inaanak niya sa kasal ang may-ari ng WellMed Dialysis Center na nasangkot sa “ghost dialysis” claim.

Ani Duque nalaman niya lang na si Bryan Sy na kaniyang inaanak sakasal ang may-ari ng WellMed nang tumawag sa kaniya ang ama nito.

Tinawagan umano siya ng ama ni Sy at humihingi ng payo sa sinapit ng anak.

Nagulat umano siya nang sabihin nitong si Sy ang may-ari ng WellMed.

Sinabihan umano niya ang ama ni Bryan Sy na wala siyang magagawa sa nangyari.

Nangako naman si Duque na hindi niya poprotektahan si Sy sa imbestigasyon na ginagawa dito.

Inaresto noong Lunes si Sy ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at naisailalim na sa inquest sa Department of Justice (DOJ) sa kasong estafa.

Read more...