Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa pinakabagong insidente ng diumano’y pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa senador kung tayo ay tunay na itinatratong kaibigan ng China ang pangyayari ay hindi pag-uugali ng isang kaibigan.
Banggit pa ni Lacson marami na sa ating mga kababayan ang nagdududa sa sinseridad ng China sa Pilipinas.
Pagdidiiin nito dapat ay mag usap na ang mga pinuno ng Pilipinas at China dahil sa insidente.
Inulit pa ni Lacson sa inilabas niyang pahayag na ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga responsableng Chinese ang tanging makakapagkumbinsi sa sambayanang Filipino na magkaibigan talaga ang turingan ng dalawang bansa.