Natagpuang patay ang isang taxi driver mismong sa minamanehong taxi sa F.B Harrison, Brgy. 16, Pasay City.
Ayon sa Pasay Police, kinilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54 anyos.
Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa leeg, balikat at mukha.
Ayon sa isang security guard, may sakay na isang lalaki sa passenger side sa harapan ng taxi ang biktima bago ito nakitang huminto pagkalampas ng isang gas station.
Dahil madilim ang lugar ay walang nakita sa mismong pananaksak sa biktima.
Posibleng panghohold-up ang motibo sa krimen.
Hindi natagpuan ang dashcam ng taxi at ang cellphone ng biktima pero narekober ang kanyang mga pitaka at mga pera.
Tinitingnan na ang mga CCTV sa lugar na posibleng makatulong sa pagresolba sa kaso.
MOST READ
LATEST STORIES