Nauna nang ipinanawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang imbestigasyon sa insidente at ang posibleng paghahain ng diplomatic actions.
Ipinahayag ni Robredo ang buong suporta sa panawagang ito ni Lorenzana at dapat anyang mapanagot ang mga sangkot sa insidente.
“Buo ang aking suporta sa panawagan ng ating AFP (Armed Forces of the Philippines) at ng DND (Departmenf ot National Defense) na imbestigahan ang insidenteng ito, at panagutin ang kinauukulan,” ani Robredo.
Naisiwalat ang banggaan sa mismong Araw ng Kalayaan kaya ayon kay Robredo, dapat magpakita ang mga Filipino ng tapang at dignidad lalo’t kapakanan at kalayaan ng mga mamamayan ang nakasalalay dito.
“Sa ating Araw ng Kasarinlan, magpakita tayo ng tapang at dignidad, lalo na kapag kapakanan at kalayaan ng ating mga mamamayan ang nakasalalay,” ani Robredo.