Inilabas ni Andanar ang department order noong June 10 habang nasa kasagsagan ng pag-iimbestiga ang PCOO kay PIA director general Harold Clavite dahil sa isyu ng korupsyon.
Ayon kay Andanar, ang PCOO ang final approving authority sa lahat ng appointment at iba pang personnel actions sa PIA.
Kabilang sa personnel actions ang hiring, appointment, transfer, detail, secondment, suspension at termination ng PIA officials, employees at personnel.
Ayon kay Andanar, kinakailangan ding makipag-ugnayan ang PIA director general at deputy director general sa kanya para masiguro na magiging maayos ang pamamalakad sa PIA.
Sinabi naman ni Clavite na natanggap niya ang department order noong June 11.
Ayon kay Clavite, tinanggalan na siya ng kapangyarihan ng PCOO bagay na pinasinungalingan ni Andanar.
Ayon kay Clavite, nagdesisyon si Andanar sa reklamo na base sa anonymous letter.
Una nang pinabulaanan ni Clavite ang mga alegasyon laban sa kanya. / Chona Yu