Lionel Messi, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes

Naungusan na ng Barcelona at Argentina striker na si Lionel Messi si 5-division boxing world champion Floyd Mayweather bilang highest paid athlete ng Forbes business magazine.

Sa datos ng Forbes, kumita si Messi ng $127 million kasama ang $92 million mula sa salary at panalo habang $35 million naman mula sa endorsements.

Pumangalawa naman sa pwesto ang isa pang Soccer player na si Juventus forward Cristiano Ronaldo na may $109 million na kita at sumunod si Neymar na may $105 million na kita.

Pang-apat naman si listahan ang Mexican boxer na si Canelo Alvarez na kumita ng $94 million at pang-lima si Swiss tennis player Roger Federer na may $93.4 million.

Samantala, kapansin-pansin na hindi nakapasok sa top 100 si Mayweather dahil nagkaroon lamang siya ng isang exhibition match noong December 2018.

Nasa 35 manlalaro naman mula sa National Basketball Association (NBA) ang nakapasok sa top 100 list kung saan nanguna ang Los Angeles Lakers forward na si LeBron James na may $89 million. / Angellic Jordan

 

Read more...