Ito ang naging pagtitiyak ng Malakanyang at patunay na buo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang sahod ng mga guro.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang problema lamang ngayon ng pangulo ay kung saan maghahanap ng mapagkukunang pondo para sa dagdag sahod sa mga guro.
Ayon kay Panelo, kung pagbabasehan ang pahayag ng kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), aabutin ng P115 bilyon ang kinakailangan na pondo kung bibigyan ng tig-P10,000 increase ang mga guro.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ginagawan na ng economic managers ng pangulo kung paano masosolusyunan ang hirit na dagdag sahod sa mga guro.
READ NEXT
Bagong silang na sanggol isinilid sa plastic bag at isinabit sa gate ng bahay sa Bacolod City
MOST READ
LATEST STORIES