Bagong silang na sanggol isinilid sa plastic bag at isinabit sa gate ng bahay sa Bacolod City

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang nakasilid sa isang plastic bag at iniwan sa gate ng isang bahay sa Barangay Tangub, Bacolod City.

Unang inakala na basura ang laman ng supot nang isabit ito at iwan sa bakod ng bahay ng isang ginang sa loob ng Gardenville Subdivision ng naturang barangay.

Ayon kay Police Major Charles Gever, hepe ng Police Station 8, dahil sa kinakakuhalan ng aso, nagpasya ang may-ari ng bahay na suriin ang supot at dito na tumambad sa kanya ang isang sanggol na babae na pinaniniwalaang bagong panganak pa lamang dahil may bahid pa ng dugo ang pusod.

Ang bata ay agad na dinala sa police station at sa tulong ng social welfare ng barangay ay ibinigay ito sa Señor Sto. Nino orphanage.

Read more...