Bagong silang na sanggol isinilid sa plastic bag at isinabit sa gate ng bahay sa Bacolod City

By Jimmy Tamayo June 12, 2019 - 12:17 PM SHARE(S):

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang nakasilid sa isang plastic bag at iniwan sa gate ng isang bahay sa Barangay Tangub, Bacolod City.

Unang inakala na basura ang laman ng supot nang isabit ito at iwan sa bakod ng bahay ng isang ginang sa loob ng Gardenville Subdivision ng naturang barangay.

Ayon kay Police Major Charles Gever, hepe ng Police Station 8, dahil sa kinakakuhalan ng aso, nagpasya ang may-ari ng bahay na suriin ang supot at dito na tumambad sa kanya ang isang sanggol na babae na pinaniniwalaang bagong panganak pa lamang dahil may bahid pa ng dugo ang pusod.

Ang bata ay agad na dinala sa police station at sa tulong ng social welfare ng barangay ay ibinigay ito sa SeƱor Sto. Nino orphanage.

TAGS: bacolod city, barangay tangub, newborn, bacolod city, barangay tangub, newborn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.