Dumagsa sa Independence Day job fair sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila ang mga naghahanap ng trabaho.
Aabot sa 19,798 na trabaho ang alok sa Independence Day Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), kabilang dito ang 6,441 local jobs sa mga hotel at restaurant, construction, wholesale at retail trade, health, beauty at wellness, transportation at logistics, business process outsourcing, manufacturing, power at telecommunication industries.
habang mayroon namang 6,000 overseas jobs sa Brunei, China, Japan, Saudi Arabia, Poland, Qatar, Taiwan, at sa United Arab Emirates.
Mayroon namang kabuuang 7,357 job vacancies sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Alas 10:00 ng umaga ng Miyerkules umabot na sa 700 ang nagparehistro sa job fair.