Libu-libong residente nagprotesta at humarang sa mga pangunahing lansangan sa Hong Kong

Libu-libong residente ang nagprotesta sa Hong Kong at humarang sa mga pangunahing kalsada para tutulan ang plano ng gobyerno na extradition sa China.

Karamihan sa mga lumahok sa protesta ay mga estudyante at nagtipon sila sa palibot ng mga ahensya ng gobyerno na nagresulta sa stanstill na traffic sa lugar.

Hindi sapat ang bilang ng mga riot police para awatin ang mga raliyisita.

Dahil sa protesta, ipinagpaliban ng Legislative Council ng Hong Kong ang second reading ng panukala na dapat sana ay ngayong umaga ng Miyerkules gagawin.

Maging ang mga negosyante sa Hong Kong ay nakikiisa sa protesta at mahigit 100 establisyimento ang isinara bilang suporta.

Isang malaking student union din sa Hong Kong ang nagbanta ng malawakang boykot sa klase para dumalo sa mga rally.

Read more...