Ang operasyon ay ginawa ng National Meat Inspection Service bilang bahagi ng crackdown sa mga karne ng baboy upang masiguro na hindi maaapektuhan ng African Swine Fever ang Pilipinas.
Ayon kay Ferdinand Samar, ng Bicol Communicators and Environmental Rescue Group, nakumpiska ang mga karne sa Albay District Market at sa Legazpi City Public Market.
Maliban sa 78 kilo ng karne ng baboy, may nakumiska ring 1,200 na lata ng Ma Ling sa isang sinalakay na stock room sa lungsod.
Sa mga pinuntahang palengke ay kinumpiska din ang incandescent bulbs na ginagamit ng ilang vendors.
Bawal ang paggamit nito sa ilalim ng Consumers Act dahil ginagamit ang ilaw para palabasing maganda pa ang kulay ng karneng ibinebenta.