WATCH: Paggunita sa Araw ng Kalayaan sinabayan ng kilos protesta

Tinangka ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan na makapagsagawa ng kilos protesta sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Mula sa kahabaan ng T.M. Kalaw Avenue ay tinangka ng mga raliyista na magtungo sa harapan ng US Embassy.

Gayunman, sinalubong sila ng nakabarikadang civil disturbance units ng Manila Police District (MPD).

Hindi hinayaan ng mga otoridad na makalapit sa US Embassy ang mga nagpoprotesta.

Pinayagan lamang silang makaabante ng kaunti sa T.M. Kalaw Avenue para doon magprograma.

Read more...