WATCH: Mga kulay puting kalapati pinalipad sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng PNP

Bilang simbolo ng kalayaan nagpalipad ng mga kulay puting kalapati ang Philippine National Police (PNP).

Idinaos ang aktibidad sa Camp Crame bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa.

Sa mensahe ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na binasa ni PNP Deputy Director General Fernando Mendez Jr., hinikayat ang mga pulis na maghandog ng higit pang makabuluhan, matapat at masigasig na paglilingkod sa mamamayan.

Marapat din ayon kay Albayalde na bigyang pagpupugay ang mga bayaning nagsakripisyo upang makamtan ng bansa ang Kalayaan mula sa mga nanakop na dayuhan.

Inawit din ang “Pilipinas Kong Mahal” na sinabayan ng pagwagayway ng watawat ng Pilipinas ng mga opisyal at tauhan ng PNP.

Read more...