Ayon kay Garin, magiging epektibo ang leadership ng Speaker kung maganda ang koordinasyon sa 300 kongresista at inirerespeto ang mga leader ng mga partido.
Mahalaga rin aniya na samantalahin ang potensyal ng House members kaya malaki ang papel na gagampanan ng mga itatalaga sa posisyon tulad ng deputy speakers.
Itinanggi rin ng kongresista na may nagaganap na vote buying sa Kamara para makuha ang speakership at wala siyang personal na karanasan.
Samantala, pinayuhan naman ni Garin ang mga bagitong kongresistang papasok sa 18th Congress na patunayan ang kanilang husay sa trabaho at hindi nakuha ang estado dahil lamang kamag-anak sila ng mga beteranong mambabatas.