Notre-Dame Cathedral magdaraos ng unang misa matapos masunog

Magdaraos ang Notre-Dame cathedral ng kanilang unang misa matapos ang naganap na sunog dalawang buwan na ng nakalilipas.

Ayon sa Archdiocese of Paris, pangungunahan ang misa ni Paris Archbishop Michel Aupetit sa araw ng Linggo, June 16.

Isasagawa anila ito sa side chapel kasama ang 20 katao lamang kabilang ang mga pari at canons mula sa katedral.

Ipalalabas naman nang live ang misa sa isang French television channel para masaksihan ng mga Katoliko sa France.

Napiling isagawa ang misa sa June 16 kasunod ng anibersaryo ng pagkakatalaga ng altar ng katedral.

Matatandaang sinabi ni President Emmanuel Macron na target na matapos ang rehabilitasyon sa Notre-Dame sa loob ng limang taon.

 

Read more...