Yari sa recycled plastic ang mga podium na gagamitin sa Tokyo 2020 Olympics.
Ang mga podium ay donasyon mula sa local residents o galing sa mga plastic na nakolekta sa dagat.
Ito ang unang beses na gawa sa recycled materials ang mga Olympic podiums.
Ayon sa organizers, kailangan ng 45 tonelada ng plastic para makagawa ng nasa 100 prodiums para sa mga palaro.
Ayon kay Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto, ang hakbang ay para maisulong ang mensahe ng sustainability na plano ng mga oraganizers na siyang maging tema ng Olympics.
Ang gagamiting mga plastic para sa podium ay kukunin sa mahigit 2,000 outlets ng local supermarket chain at mula sa mga nakolekta sa mga dagat sa marine clean-ups.
Target ng 2020 organizers na i-promote ang eco-friendly message sa mga palaro kabilang ang paggawa ng lahat ng medalya mula sa recycled electronic waste.