PAGASA: Habagat nagsimula nang umiral sa bansa

Posibleng ideklara na ng PAGASA ang tag-ulan sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil nagsimula nang pumasok sa bansa ang southwest monsoon o Hanging Habagat.

Sa weather advisory Martes ng hapon, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas na nakakaapekto na sa Kanlurang bahagi ng Luzon ang Habagat.

Bagaman pumasok na ang Habagat, hindi pa nagsisimula ang tag-ulan ngunit posible na umano itong ideklara sa mga susunod na araw.

Ani Rojas, kailangan lamang makapagtala ng tatlong sunud-sunod na araw ng pag-ulan na may daming 25 millimeters sa pito sa kabuuang 13 istasyon ng PAGASA sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Ang Habagat ang dahilan kung bakit maulap ang kalangitan na may dalang kalat-kalat na pag-ulan sa western sections ng Luzon.

 

Read more...