Nakumpiska ang P1.8 milyong halaga ng shabu sa pinagsanib na operasyon sa Sitio Laguna, Barangay Basak Pardo Martes ng gabi.
Naaresto sa joint operation ng Police Drug Enforcement Group Visayas (PDEG Visayas) at Pardo Police Precinct-7 ang 26 anyos na si Wilfredo Parides at isang 16 anyos na menor de edad.
Ayon kay Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng PDEG Visayas, nagsagawa ng buy bust operation sa labas ng inuupahang bahay ni Parides sa likuran ng Holy Cross Parish.
Nakuhanan ng droga ang menor de edad na nagsisilbi umanong runner sa drug operation.
Habang nakuha ng mga pulis ang mas marami pang droga sa kwarto ni Parides.
Narekober ang kabuuang 275 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.
Sampung araw na nasa surveillance ng pulisya ang suspek at nakumpirma na bukod sa pagpipintura ng bahay ay dinarayo ng mga bisita ang bahay nito sa gabi dahil sa kalakalan ng droga.