M3.1 na lindol naitala sa Davao Oriental

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Oriental, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 21 kilometers Southwest ng Governor Generoso bandang ala una y medya ng hapon.

May lalim ang lindol na 50 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

Read more...