Abu Sayyaf members nahuli ng NBI

Screengrab of Inquirer.net video

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nahuling anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group Martes ng hapon.

Nakilala ang mga ito na sina Azmier Maalum alyas “Totong Aling”, Amar Assan alyas “Abu Sonny” “Abubakar”, at Musa Tahil Sampang alyas “Hadji Ramon Gonzales o Hadji Butah”.

Kasama rin nahuli sina Jamil Ibrahim alyas “Malangka Dawasa,” Yong Aming alyas “Jamil Taib”, at Majuk Tahil Amil alyas “Enjie” o “Ejemal”.

Nahuli ang anim sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, Balangan City sa Bataan, at Zamboanga City.

Ayon sa NBI, lima sa mga nahuling suspek ay kasama sa naganap na kidnapping sa Lantawan.

Dagdag pa ng ahensya, nasa Maynila ang ilang miyembro ng grupo upang kumalap ng impormasyon para makatakas.

Sasampahan ng kaso ang anim dahil sa mga pang-ambush, kidnapping, pagpapasabog sa Southern Mindanao, at pagkuha ng mga bagong miyembro ng grupo.

Read more...