May-ari ng WellMed Dialysis Center kinasuhan na ng NBI

Inquirer photo

Sumailalim na sa inquest proceeding ang isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center sa tanggapan ng Department of Justice o DOJ ngayong hapon, June 11.

Inaresto ng National Bureau of Investigation si Bryan Christopher Sy nang magtungo ito kahapon ng umaga sa kanilang tanggapan kaugnay ng mga ghost dialaysis claims sa nasabing medical center.

Hinuli rin ng NBI sina Edwin Roberto at Liezel Santos na mga dating empleyado ng clinic noong Lunes, June 10.

Nilinaw ng ahensya na kailangang masampahan muna ng kaso ang dalawa sa korte at bagong sumailalim sa evaluation bilang state witnesses ngunit depende pa umano ito sa magiging desisyon ng hukuman.

Tatlo pa lamang ang nahuhuli sa pitong taong sangkot sa anomalya

Si Sy at ang dalawang whitsleblowers ay nahaharap sa kasong estafa at falsification of public documents para sa 27 ghosts dialysis claims ng nasabing clinic.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa pag-aresto sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center.

Read more...