Ito ay para marekober ng mga nag-invest ang kanilang perang inilagak sa Kapa Ministry.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na maghain ng criminal at civil suits ang mga nabiktima para maobliga ang Kapa Ministry na ibalik ang kanilang pera.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na fraud ang ugat ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya ipinag-utos niya sa National Bureau of Investigation na ipasara at imbestigahan ang kapa at hindi dahil sa karibal ni Pastor Quiboloy ang Kapa Ministry.
Dagdag ni Panelo, hindi lamang ang Kapa ang hahabulin ng administrasyon kundi maging ang iba pang investment scheme na irereklamo ng pangloloko.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na posibleng umabot sa P50 Billion ang natangay ng Kapa sa kanilang mga miyembro dahil sa donasyong P10,000 bawat isa.
Kapalit ng nasabing halaga ang malaking interest makalipas lamang ang ilang buwan.