Velasco at Romualdez pinagpipilian ng partylist reps bilang speaker

Bumaba na sa dalawa ang pagpipilian ng partylist coalition sa pagka House Speaker sa 18th Congress.

Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles, sina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na lamang ang kanilang pinagpipilian sa speakership.

Sinabi nito na kanilang napagpasyahan na sa partylist coalition na bawasan na ang kanilang pinagpipilian para sa maging pinuno ng Kamara dahil naniniwala sila na sina Romualdez at Velasco ay seryoso sa nasabing posisyon.

Bukod dito, lumabas din sa mga sentimyento ng mga kongresista mula sa partylists na sina Romualdez at Velasco ang may matitibay na koneksyon sa partylist groups.

Naniniwala sila na sinuman sa dalawa ang maluklok na Speaker ay magiging patas ang pagtrato sa mga partylists congressmen at makikinig sa mga pangangailangan ng kanilang mga constituents.

Aminado ang mambabatas na mahirap na laban ito kina Romualdez at Velasco pero sa bandang huli ay pipili lamang ng isa ang mga Partylists Representatives.

Read more...