Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang iprinisintang ebidensiya ni Senador Antonio Trillanes IV para pasinungalingan ang mga alegasyon ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ ukol sa umano’y ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na lahat ng karagdagang ebidensya ay tinatanggap ng kanilang hanay para sa isinasagawang imbestigasyon sa isyu.
Pinaalala rin ni Banac na publiko na isinasailalim pa sa imbestigasyon si Advincula.
Ibig-sabihin, hindi pa aniya nalalaman kung si Bikoy ay suspek o witness.
Matatandaang inilahad ni Advincula na ang “Ang Totoong Narcolist” videos ay bahagi ng Duterte ouster plot at pinangunahan umano ng Liberal Party at ni Trillanes.
Nagpakita naman si Trillanes ng mga text messages sa pagitan ni Advincula at isang taong-simbahan.