Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili muli ng mga armas mula sa Estados Unidos.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na makatutulong ito para mapalawak ang posibleng suppliers na maaring sumali sa public bidding ng mga kagamitan.
Mas mabuti aniya na mas maraming participants para rito.
Nauna nang sinabi ng punong ehekutibo ang pagkokonsidera na bumili muli ng armas sa America bunsod ng pagbabago sa ilang polisiya ni U.S. President Donald Trump.
Welcome rin sa Department of National Defense (DND) ang plano ni Duterte.
Bukod sa mga baril, posibleng bumili rin ang Pilipinas ng iba pang military hardware sa US.
MOST READ
LATEST STORIES