LOOK: Water level ng mga dam sa Luzon ngayong Lunes, June 11

Bumagsak pa sa 164-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ngayong Martes, June 11 ng umaga, nasa 164.92 meters na lang ang water level sa Angat dam, mas bumaba pa kumpara sa 165.25 meters kahapon.

Ang La Mesa dam ay bahagya ring nabawasan na ngayon ay nasa 68.63 meters.

Nadagdagan naman ng kaunti ang water level sa Ipo dam, nasa 100,92 meters ang water level nito ngayong umaga.

Ang iba pang dam gaya ng Ambuklao, Pantabangan at Magat ay pawang nabawasan ang water level.

Habang ang Binga, San Roque, at Caliraya naman ay bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig.

Read more...