Ayon sa kalihim, hindi maiaalis ang posibilidad na tumakas palabas ng bansa ang mga taong nasasangkot sa operasyon ng Kapa-Community Ministry International, Inc.
Pinababantayan na ng kalihim ang mga paliparan, at mga pantalan sa bansa para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga isinasangkot sa investment scam.
Hinihintay pa ng kalihim ang magiging resulta ng isinasagawang pagsalakay ng mga NBI sa ibat-ibang tanggapan ng KAPA sa buong bansa.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa NBI at CIDG na pagpapasara sa operasyon ng KAPA matapos makumpirma ng securities and exchange commission na sangkot sa pagsosolicit ng investment kahit walang kaukulang lisensya.