Luzon grid muling isinailalim sa yellow alert

Isinailalim muli sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), iiral ang yellow alert mula 10:00AM to 2:00pm ngayong araw, June 11, 2019.

Sinabi ng NGCP na ang available capacity sa Luzon ay 11,839 megawatts at nasa 10,921 megawatts ang peak demand.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng power interruption.

Pero payo ng NGCP sa mga residente sa Luzon magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente lalo na sa kasagsagan ng pag-iral ng yellow alert.

Read more...