2 drug suspect arestado sa buy-bust sa Albay

Arestado ang dalawang suspek sa ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Camalig, Albay.

Kinilala ng mga otoridad ang dalawang naaresto na sina Mark John Altabano, 26, residente ng Barangay Bonot, Legazpi City at si Mark Mallanta, 22, na residente ng Barangay Poblacion, Camalig.

Ayon kay Police Col. Wilson Asueta, Albay police director positibong nakabili ng ilegal na droga ang police undervocer sa dalawang suspek.

Ikinasa ang operasyon laban sa dalawa sa Barangay Ilawod.

Nakuha sa kanila ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...