Tony Parker inanunsyo na ang magreretiro sa NBA

Inanunsyo na ni San Antonio Spurs guard Tony Parker ang pagreretiro matapos ang 18 seasons niya sa NBA.

Ayon sa 37 anyos na si Parker, plano na niyang magretiro matapos ang 20 taon na basketball career.

Sa panayam sa kaniya ng ESPN, sinabi ni parker na ayaw na niyang manatili sa paglalaro lalo’t hindi na niya magawa ang isang dating Tony Parker at hindi na makalalaro sa championship.

Si Parker ay six-time All-Star sa NBA.’

Maliban sa kaniyang career sa NBA, si Parker ay presidente ng ASVEL Basket, isang basketball team sa France na naka-base sa Lyon.

Read more...