PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, June 11

Ilang lugar sa Laguna, Cavite, Quezon at Maynila ang mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw.

Sa Sta. Rosa City sa Laguna, mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Grand Riverstone sa Barangay Dita sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 12:00 ng tanghali.

Sa Biñan, Laguna, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Langkiwa.

Sa Pila, Laguna parehong oras din na mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Bulilan Norte at Bulilan Sur.

Sa bayan naman ng Candelaria sa Quezon, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at ala 1:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng mga Barangay Kinatihan II, San Isidro at Sta. Catalina Norte.

Sa Dasmariñas City sa Cavite, pagitan ng alas 9:30 ng umaga at alas 2:30 ng hapon ang power interruption sa Barangay Burol II at Burol I.

Sa Imus City, Cavite. sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Pasong Buaya I.

Magdamag namang mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Sampaloc, Maynila partikular sa kahabaan ng Dapitan Street mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas.

Read more...