Pagsasara sa Batasan Hills tunnel sa QC ipinagpaliban

Hindi muna itinuloy ang dapat sana ay gabi-gabing pagsasara sa Batasan Hills tunnel sa Quezon City bilang bahagi ng MRT-7 Project.

Sa naunang abiso ng MRT-7 Traffic Task Force, dapat simula alas 10:00 kagabi, June 10 hanggang sa June 17 ay gabi-gabing isasara sa mga motorista ang naturang tunnel.

Pero nagpa-abiso ang Task Force na hindi muna itinuloy ang closure kagabi.

Mananatili munang bukas ang tunnel sa mga motorista at magpapalabas na lamang ng panibagong abiso kung kailan itutuloy ang closure.

Sa sandaling matuloy ang gabi-gabing pagsasara, ang mga apektadong motorista na galing sa IBP Road at patungong Elliptical Road ay kakanan sa Commonwealth Avenue at kailangang mag-U Turn sa bahagi ng COA.

Read more...