Road restoration ng Manila Water sa Binangonan, natapos na

Inaasahang maiibsan na ang araw-araw na masikip na daloy ng traffic na nararanasan ng mga residente sa Binagonan, Taytay at Angono, Rizal.

Ayon sa Manila Water, natapos na nila ang road restoration sa Manila East Road at passable na ito sa mga motorista.

Nasa 6 kilometers ang habang ng kalsadang iniayos kung saan 5.2 kilometers ang sinementuhan at may bahagi rin na inaspaltuhan.

Ilang linggong dumanas ng matinding traffic ang mga motorista sa lugar dahil sa isinarang kalsada.

Bunsod nito, minadali ng Manila Water ang pagtatapos ng proyekto na dapat sana ay sa katapusan pa ng Hunyo matatapos.

Read more...