Manila Water magbabawas muli ng produksyon ng tubig dahil sa pagbaba ng water level sa Angat at Ipo dam

Muling babawasan ang produksyon ng tubig ng Manila Water dahil sa tuluy-tuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam at Ipo dam.

Sa abiso ng Manila Water, sinabi nitong dahil sa pagbaba ng water level sa dalawang dam kailangan nilang buksan ang low-level outlet ng Angat dam upang makapagdagdag ng suplay.

Pero ang pagbubukas ng naturang outlet ay maaring magresulta sa mababang kalidad ng tubig na naipoproseso sa filter plants ng Manila Water.

Dahil dito, sinabi ng kumpanya na maaring kailanganin nilang magbawas ng produksyon ng tubig.

Makaaapekto umano ito sa suplay ng tubig sa mga customers sa Metro Manila at Rizal.

Hanggang sa ngayon ay marami pa ring lugar sa Metro Manila at RIzal ang hindi pa regular ang suplay ng tubig.

Marami pa ring barangay ang nakararanasng pagkawala ng suplay ng tubig habang ang iba naman ay hindi pa bumabalik sa dati ang lakas ng pressure ng tubig.

Read more...