Alas 6:00 ng umaga ay may tapyas na P2.70 sa kada litro ng diesel at P2.45 sa kada litro ng gasolina ang Shell, Total, PTT Philippines at Petron.
Habang ang presyo ng kerosene ay bababa naman ng P2.60 kada litro.
Una nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum noong Sabado.
Ito na ang pinakamalaking bawas presyo sa langis ngayong taon.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang bigtime rollback ngayong linggo ay dahil sa sobrang supply ng petrolyo bunsod ng tensyon sa kalakalan ng Estados Unidos at China.
Payo naman ng ahensya, para lalong mas makatipid ay ikumpara ang presyo sa iba’t ibang gasolinahan at sulitin ang mga diskwento at promo.
Gayunman sa kabila ng malaking tapyas sa presyo, hindi pa rin nito nalalampasan ang malaking itinaas ng presyo ng gasolina at diesel mula Enero.
Mula January hanggang ngayong June 11, nasa P11.70 kada litro ang taas presyo ng gasolina kumpara sa P8.65 kada litro na rollback.
Habang nasa P9.60 kada litro ang nadagdag na sa presyo ng diesel kumpara sa P7.60 kada litrong tapyas.