Duterte hindi sasawsaw sa away nina Bautista at Tulfo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pakialaman ang away nina Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista at radio anchor Erwin Tulfo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala sa karakter ng pangulo na sumawsaw sa away ng ilang indibidwal o grupo,

Hahayaan na lamang aniya ng pangulo na magbangayan ang dalawa.

Paliwanag pa ni Panelo, personal na away na nina Bautista at Tulfo.

Nag-ugat ang away ng dalawa nang murahin ni Tulfo si Bautista dahil sa hindi pagpapaunlak sa panayam sa radio show.

“As we said, the President doesn’t intrude into any conflict between two individuals or groups. So we leave it to them. It’s a personal thing between General Bautista and Mr. Tulfo”, ayon pa kay Panelo.

Read more...