DOJ nanawagan ng mabilis na aksyon sa pinatay na provincial prosecutor

Umaapela ngayon sa mga otoridad ng agarang aksyon ang Department of Justice na imbestigahan at resolbahin ang pinakahuling insidente ng pamamaril sa Provincial Prosecutor ng Oriental Mindoro na binaril kaninang umaga habang papasok sa kanyang bahay.

Nais ng DOJ na panagutin ang mga responsable sa pamamaril kay Provincial Prosecutor Josephine Olivar na nagtamo ng limang  tama ng bala sa ulo at katawan.

Nanawagan din ng panalangin ang DOJ para sa kaligtasan ni Prosecutor Olivar.

Sa report ng PNP, alas 9:30 ng umaga kanina nang pagbabarilin si Prosecutor Olivar sa Bgy. Bayanan 1, Calapan City sa Oriental Mindoro.

Naisugod naman sa ospital si Prosecutor Olivar na kinakailangang sumailalim sa ilang major operation dahil sa dami ng tama ng bala ng baril.

Mabilis nakatakas ang hindi pa nakilalang mga suspek habang inaalam pa rin ang posibleng motibo sa krimen.

Read more...