Dagdag na mga tindahan target ng Jollibee sa Guam

Inquirer file photo

Inihayag ng Jollibee Foods Corp. (JFC) ang kanilang expansion program sa Guam.

Target ng JFC na sa taong 2024 ay maging lima na ang kanilang branches sa nasabing US territory.

“As a growing business center and an island of incredible diversity and taste, Guam will make a great home for Jollibee,” ayon kay JFC chief executive officer Ernesto Tanmantiong.

Ang Jollibee ay nagbukas ng kanilang unang fast-food chain store sa Micronesia Mall sa Dededo, Guam noong April 2019.

Sinabi naman ni JFC president and head of international business Dennis Flores na layunin rin nila na mabigyan ng trabaho partikular na ang mga Pinoy sa nasabing lugar.

Bukod sa US territory, target rin ng Jollibee na magtayo ng dagdag pang mga tindahan sa Canada, Europe at iba pang bansa sa Asia.

Ang JFC ay may kabuuang 4,500 stores globally na kinabibilangan ng Jollibee, Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal, Yonghe King, Hong Zhuang Yuan, at Smashburger.

Read more...