PhilHealth board ipatatawag ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

Ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga miyembro ng board PhilHealth mamayang (Lunes, June 10) hapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para pagpaliwanagin ng pangulo ang mga taga PhilHealth kaugnay sa “ghost dialysis” controversy.

Paliwaag pa ni Panelo, kaya balak ni Pangulong Duterte na balasahin ang pamunuan ng philhealth para mawalis ang koruspsyon.

Sa ngayon, nanatili pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay PhilHeath acting President Roy Ferrer.

Read more...